Aabot sa P6 billion ang ilalabas ng pamnahalaan sa katapusan ng linggo para sa response efforts kasunod nang pananalasa ng Bagyong Odette sa central at southern Philippines.
Ayon kay Budget Acting Secretary Tina Canda, sa P6 billion, P1 billion na ang kanilang nailabas noong Biyernes at P1 billion pa ulit ngayong araw ng Lunes sa mga local government units na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ang natitirang P4 billion naman ay para sa ayuda sa mga LGUs na ipapahatid nila sa mga binagyong mamamayan, na manggagaling naman sa national budget sa susunod na taon.
Nauna nang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maglilikom siya ng P10 billion para sa recovery efforts kaugnay sa nagdaang bagyo.
Magugunita na ilang daang libo ang namatay, ilang libong bahay ang nasira, at nasa 630,000 katao ang lumikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.