CENTRAL MINDANAO-Naglunsad ng anti-illegal drugs operation ang mga otoridad sa Lanao Del Sur.

Nakilala ang mga nahuli na sina Busran Ampatua Saripada, 64 anyos at maybahay nito na si Monera Saripada, 46 anyos at mga residente ng Wao Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Bregadier General Samuel Rodriguez na nagsagawa ng drug buybust operation sa bayan ng Wao Lanao Del Sur ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Wao MPS.

Nang i-abot na ng mag-asawa ang droga ay doon na sila dinakma ng mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang nagkakahalagang P6.8 milyong na shabu at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Wao MPS at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.