-- Advertisements --

Nanawagan si Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa mga kapwa niya mambabatas na dagdagan ang 2021 budget ng Energy Regulatory Commission (ERC). 

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, natukoy na ang ERC ay may proposed P564 million budget sa susunod na taon.

Pero umaapela si Baronda na madagdagan ang pondong ito ng ahensya dahil marami pa rin aniyang mga lugar sa Pilipinas ang kailangan mapaganda ang serbisyo sa kuryente.

Bago ito ay tinanong ni Baronda si ERC Chairperson Agnes Devanadera hinggil sa estado ng kanyang hiling para sa reclassification ng substation ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) bilang transmission asset mula sa generation asset. 

Ayon kay Devenadera, Agosto nang tugunan nila ang request na ito ni Baronda.

Dahil dito maari nang magamit ng iba pang power suppliers ang PEDC, na inaasahang magreresulta sa pagbaba sa singil ng kuryente.