Reading Time: 1 minute

Mahigit P50 million ang halaga ng mga nasabat ng Bureau of Customs (BoC) na smuggled na agricultual products na galing pang China.

Ang P53 million worth na carrots, sibuyas, broccoli at patatas ay isinilid sa 16 na container vans na ipinasok sa bansa noong Agosto 8 ng Shinerise Trading Service.

Sinabi ng BoC ns idineklarang mga fishballs ang laman ng naturang mga container.

Pero nang magsagawa ng inspeksiyon ang BoC, tumambad sa kanila ang carrots na nagkakahalaga ng P20.08 million, sibuyas na nagkakahalaga ng P20.08 million, brococoli na estimated value na P10.04 million at P2.5 million na halaga ng patatas.

Naglabas agad ang BoC ng warrant of seizure and detention para kumpiskahin ang naturang mga kontrabando.

Ipinag-utos na rin ng BoC ang kanselasyon ng accredation ng consignee nitong Shinerise Trading.