Nagkasundo ang mga mambabatas na paglaanan ng P50 billion na pondo ang special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers para sa susunod na taon.
Sinabi ito ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap kasunod nang approval ng Bicameral Conference Committee sa proposed P5.024-trillion national budget para sa 2022.
Sinabi ni Yap na kinailangan nilang humugot ng pondo sa ilang mga items sa General Appropriations Bill para mapondohan ang SRA gayong sa National Expenditure Program pa lamang dati ay hindi na ito isinama ng Department of Budget and Management (DBM).
Samantala, kaugnay pa rin sa COVID-19 pandemic response, nasa P48 billion naman ang napagkasunduang halaga nilang mga mambabatas para ilaan sa booster shots.
Ang kontrobersyal namang NTF-ELCAC ay nasa P15 billion ang alokasyon para sa susunod na taon.
Nagkakahalaga ng P3.5 billion ang alokasyon na inilalaan naman sa pagbili ng C130 planes ng Philippine Airforce, na magagamit sa paghatid ng mga ayuda at bakuna.
Samantla, P32 billion ang pondong ibinibigay nila para sa mga SUCs.