Personal na inabot ni House Speaker Martin Romualdez kay Representative Toby Tiangco ang P5 milyong piso pinansiyal na tulong para sa mga nabiktima ng sunog sa Barangay Bagumbayan North, Navotas.
Sa pahayag ni Speaker Romualdez kaniyang sinabi na siya ay nalungkot sa insidente at nagpa-abot ng pakikiramay sa mga nasawing indibidwal.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) lima ang nasawi habang dalawa ang sugatan.
Sa datos naman ng Navotas National Disaster Risk Reduction Management Office (NDRRMC) nasa 441 pamilya ang nasunugan at kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.
Siniguro naman ni Tiangco na makarating sa mga biktima ng sunog ang pinansiyal na tulong na ibinigay ng Kamara, partikular sa mga nasawi at nasugatan.
Sinabi ni Speaker na bukod sa P5-million cash na kanilang ibinigay, mamamahagi din ang Kamara ng mga relief goods.
Ang cash assistance na ibinigay ng Kamara ay bahagi sa P71 million cash at pledges na nakuha ni Speaker sa kaniyang kaarawan kahapon.
Samantala, lubos naman nagpapasalamat si Rep. Tiangco sa tulong na ibinigay ni Speaker Romualdez.
Sinimulan ni Speaker ang kanilang fund drive at relief operations matapos manalanta ang Super Typhoon Paeng kung saan nakapag raise ang Kamara ng P49.2 million cash at pledges in-kind donations gaya ng mga kumot, food items, at mga toiletries mula sa mga private entities.
“I sincerely hope this gesture of assistance we provided through the help of our friends and colleagues will help their condition,” pahayag ni Romualdez.