-- Advertisements --
Firecracker

Malayo pa man Pasko at Bagong Taon, nakumpiska ng Bureau of Customs-Port of Manila (BoC-PoM) ang mga paputok na nagkakahalaga ng P5 million.

Ang naturang mga kontrabando ay ipinasakamay na ng BoC sa Firearms and Explosives Office ng PNP sa Capaz, Tarlac.

Ayon sa BoC, ang mga iligal na firecracker shipment ay natagpuan sa 40-foot container at naka-consign sa Weath Lotus Empire Corporation.

Ang naturang mga kargamento ay idineklarang plastic bins.

Mahaharap ang mga responsable sa pagpupuslit sa mga firecrackers sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7183 o ang Act na may kinalaman sa pag-regulate sa Sale, Manufacture, Distribution ng mga Firecrackers at iba pang Pyrotechnic Devices at Section 1113 (f) ng Republic Act 10863 o CMTA (Property subject to Seizure and Forfeiture).