Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allotment na nagkakahalaga ng limang bilyong piso para sa rebuilding, rehabilitation, at development ng mga komunidad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Partikular na pupuntahan ng pondo ang mga conflict-affected o mga komunidad na apektado ng kaguluhan sa naturang lugar.
Ang naturang pondo ay sa ilalim ng Special Development Fund na probisyon ng national government sa ilalim ng Republic Act 11054 o ang Organic Law para sa BARMM.
Kabuuang P50 billion na pondo ang ilalaan sa naturang rehiyon, at unti-unting ibibigay sa loob ng sampung taon.
Ang pag-apruba ng DBM sa naturnag pondo ay kasunod na rin ng naunang pagsumite ni BARMM chief minister Ahod Ebrahim sa cash program ng naturang rehiyon para sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng naturang rehiyon.
Umaasa naman ang naturang ahensiya na magagamit ng maayos ang naturang pondo, lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at paghahatid ng sapat na kabuhayan sa mga residente ng naturang rehiyon.