Tinalakay na ng House Committee on Appropriations ang panukalang P5.4-bilyong badyet ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at mga kalakip nitong ahensiya para sa Fiscal Year 2024 .
Ayon kay House Committee on Appropriations at Ako Bicol Party List Rep.Elizaldy Co na isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng housing sector ay ang pagtugon sa 6.6-million housing backlog.
Siniguro naman ni Co na sa kanilang paghimay sa budget ng DHSUD gagawan nila ng paraan para matuguan ang backlog.
Inihayag ng mambabatas na isa sa mga pangunahing hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay magkaroon ng sariling bahay ang bawat Pilipino.
Dahil dito, nilagdaan ng Pangulo noong July 17, 2023 ang EO No. 34 ang 4PH or Pabahay Para sa Pilipino Program na siyang flagship project ng Marcos Jr. administration.
Sa pagdinig ng badyet noong nakaraang taon, ang Kalihim ng Pabahay ay nagmungkahi ng isang novel ngunit ambisyosong plano upang magbigay ng pabahay para sa marginalized na sektor ng lipunan.
Aniya, ang kakulangan sa pabahay ay maaring tugunan sa pamamagitan ng dalawang bagay: una, isang malinaw na programa para sa murang pabahay; at pangalawa, makabagong paraan ng pagpapautang sa tulong ng pamahalaan, financing institutions, LGUs at developers.
Siniguro naman ni Rep. Co na sila sa Kamara ay suportado ang nasabing mga inisyatibo.
Kaisa sila sa Pangulo at ng ahensiya na makamit ang pangarap na magiging realidad.
Para sa 2024, iminungkahi ng DHSUD na maglaan ng pondo ng nasa P1.5-billion bilang alokasyon para sa 4PH program.
” We have no doubt that DHSUD can effectiimvely implement this program. In the past years it has always performed well with a consistent utilization rate above 90 percent,” pahayag ni Rep. Co.