-- Advertisements --

Sinimulan na ng Kamara ang plenary deliberations nila sa proposed P5.025 trillion national budget para sa 2022.

Kasunod ng halos dalawang linggong committee hearings, sinimulan na ng Kamara ang kanilang plenary deliberations sa 2022 General Appropriations Bill (GAB) para sa susunod kaninang alas-2:00 ng hapon.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na target ng Kamara na tapusin ang deliberasyon pagsapit ng Setyembre 30.

Aaprubahan aniya nila ito sa second at third reading bago pa man ang isang buwan na session break ng Kongreso.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang panukalang pondo para sa susunod na taon ay mas mataas ng 11.5 percent kumpara sa P4.5-trillion fiscal program ngayong 2021.

Ito ay katumbas na rin ng 22.8 percent ng gross domestic product (GDP).

Sinabi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ang proposed budget ay patuloy na gagamitin sa pag-invest sa resilience ng bansa sa harap ng pandemya sa pamamagitan nang paggastos sa COVID-19 response measures.