Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na nasa P49 million ang ginastos para sa paglikha ng pinakabagong tourism slogan ng Pilipinas na Love The Philippines.
Ayon kay Tourism Secertary Christina Frasco ang pondo ay ginamit para sa paglikha ng logo, pagsasagawa ng pananaliksik at iba pang components ng kampaniya.
Umaasa naman ang kalihim ng suportang pondo para sa susunod na taon kasabay ng paglulunsad ng kampaniya dito sa bansa at sa abroad.
Inihayag din ng kalihim na isinumite na ng DOT sa Department of Budget and Management ang panukalang alokasyon para sa 2024.
Kung matatandaan na noong Hunyo 27, inilunsad ng Tourism department ang bagong tourism slogan campaign ng bansa na pumalit sa longtime tourism slogan na It’s more fun in the Philippines na inilunsad noong 2012.