Aabot na sa P487 million halaga ng cash shelter assistance sa mga biktima ng Bagyong Odette ang naipamahagi na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon kay DHSUD chief Eduardo del Rosario, naipamahagi ang halagang ito sa pamamagitan ng National Housing Authority (NHA) sa kabuuang 97,500 na pamilyang apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette.
Alinsundo na rin aniya ito sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte mismo.
Sinabi ni Del Rosario na aabot sa 597,779 bahay sa Regions 4-B, 6,7, 8, 9, 10, 11, 12, Caraga, at Bangsamoro region ang partially damaged.
Bukod sa cash assistance, sinabi ni Del Rosario na nasa 19,000 na shelter-grade tarpaulin sheets ang naipadala rin sa Cebu, Southern Leyte, at Caraga region sa tulong ng USAID, at ng Philippine Coast Guard.
Bukod dito, 250 modular tents, 1,310 solar lamgs at 700 shelter repair kits din ang naibahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.
Karagdagang 8,000 na shelter kits na ipapadala naman sa Southern Leyte, Surigao del Norte at Dinagat islands sa mga susunod na araw.