-- Advertisements --
PBBM new

Pumapalo sa P463.3 billion ang halaga ng aprubadong investments o pamumuhunan sa Pilipinas ang naitala sa unang quarter ng taong 2023 ayon sa Board of Investments (BOI).

Ito ay 155% na mas mataas kumpara sa parehong period noong nakalipas na taon na katumbas ng kabuuang 68 mga proyekto.

Karamihan ng investments na pumapasok sa bansa ay nasa renewable energy na napakahalaga sa panahong ito lalo na sa mithiin green economy ng bansa gayundin sa manufacturing.

Sa nasabing halaga ng investments, halos 365 o katumbas ng P165.4 billion ay foreign investments habang ang nalalabing halaga naman ay domestic investments.

Sa ngayon, patuloy din na tinatrabaho ng ahensiya ang mga investment pledges mula sa mga biyahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa ibang bansa.