-- Advertisements --

Ngayon pa lang ay may itinatabi nang P45 billion ang pamahalaan para sa pagbili ng karagdagang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino sa susunod na taon.

Kaugnay nito ay tinitiyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang availability ng pondo sa ilalim ng national budget sa susunod na taon, na maaring gamitin sa pagbili ng mga bakuna, at posibleng booster shots.

“For next year, we just had a meeting with (Budget) Secretary (Wendel) Avisado and (Health) Secretary (Francisco) Duque yesterday and we noted the we have in the budget for next year already P45 billion for additional vaccinations,” ani Dominguez.

“We do have the money for that. Now the question is how do we use that money. Are we going to need booster shots? Are we going to need another set of vaccinations? Whatever it is please tell us so that we can properly allocate these funds,” dagdag pa nito.

Sinabi ng kalihim na hindi problema ang pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 ngayong 2021 at maging sa susunod na taon.

Nauna nang naglaan ang pamahalaan ng P85 billion para sa pagbili ng 140 million doses ng bakuna para sa 70 million adult Filipinos.

Manggagaling ang pondong ito sa pondo ng Department of Health sa ilalim ng 2021 national budget, overseas development assistance (ODA) financing, at contingent funds.