-- Advertisements --
image 306

Nangangailangan ang Bureau of Corrections (BuCor) ng hanggang P400 billion para makumpleto ang plano nitong mga bagong regional prison sa buong bansa, at maipatayo ang mga bagong pasilidad para sa mga Persons Deprived of Liberties.

Ayon kay BuCor Director General Gregoio Pio P. Catapang Jr. ito ang pangunahing plano niya para tuluyang ma-decongest ang ang mga prison facilities sa buong bansa.

Kinabibilangan na ito aniya ng hanggang 16 regional facilities kung saan magkakaroon ng tig-isang pasilidad para sa mga babae at lalakeng PDL

Bahagi rin ng plano ng BuCor ang pagtatayo ng mga heinous crime facilities sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Palayan City, Nueva Ecija para sa Luzon.

Para sa Visayas, itatayo naman ito sa Camp Macario B. Palta sa Jamindan, Capiz, habang sa Camp Kibaritan, Kalimantan sa probinsya ng Bukidnon para sa Mindanao.

Bahagi ng nasabing plano ay ang pag-accommodate ng hanggang 2,500 PDL lamang sa bawat pasilidad.

Bahagi rin ng kabuuang plano ng BuCor ay ang construction at rehabilitasyon ng mga kasalukuyang bilangguan at penal farms sa buong bansa, kasama na ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan; Sablayan Prison and Penal Farm in Occidental Mindoro; San Ramon Prison and Penal Farm in Zamboanga City; Leyte Regional Prison in Abuyog, Leyte; at ang Davao Prison and Penal Farm sa Panabo, Davao Province.

Ayon kay Catapang, habang hinihintay pa lamang ang pondo ay nagsasagawa na ang BuCor ng mga short-term solution para tuluyang ma-decongest ang mga kasalukuyang bilangguan sa labas ng Metro Manila.