Aabot sa mahigit P40 million halaga ng shabu ang nasabat ng Bohol Police at PDEA sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan.
Nagkasa ng by-bust operation ang mga awtoridad sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, Tagbilaran City.
Apat na suspected drug personalities ang nagbenta ng umano’y hinihinalaang shabu sa isang operatiba na nagpanggap na drug user.
Nakalagay ang nasabat na droga sa isang Chinese tea bag na may timbang na dalawang kilo at may market value na P13.7 million pesos.
Nakilala ang mga naarestong drug personalities na sina: Lelit Dajao Sinugbojan, 44-anyos; Chellomae Pescura Curayag, 33-anyos ; Junalyn Abelgas Matura, 32-y.o.; at Humprey Millana Cenabre, 34-y.o.
Sa follow operation sa Purok- 2 Brgy. Tanghaligi, Talibon, Bohol naaresto ang drug suspek na si Jaime Dajao, 44 years old.
Sa hiwalay na operasyon sa Talibon, Bohol nakipagkita naman ang isang drug pusher sa isang operatiba.
Nasabat sa kaniya ang apat na kilo ng hinihinalaang shabu na tinatayang nasa P27.2 million pesos ang halaga.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa limang naaresto.