Aabot sa P40-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa tatlong lalaki sa lungsod ng Parañaque.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Moonwalk nitong Sabado ng madaling araw.

Kabilang sa naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang tricycle drver at vendor.

May bigat na mahigit anim na kilo ang nakumpiskang droga sa mga suspek.