CAUAYAN CITY – Halos P4 million na ang naipagkaloob ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa lambak ng Cagayan na apektado ng travel ban.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Luzviminda Tumaliuan ng OWWA Region 2, sinabi niya na umabot na sa P3,910,000 ang kanilang naipagkaloob na financial assistance sa mga OFW sa China, Hong Kong at Macau na apektado ng travel ban.
Aniya, nasa 391 na ang kanilang nabigyan at bawat isa ay nakatanggap ng P10,000.
Hinikayat naman ni Tumaliuan ang mga hindi pa nakakuha ng financial assistance na magtungo lamang sa kanilang tanggapan.
Kailangan lamang na magdala ng kopya ng kanilang plane ticket, Overseas Employment Certificate (OEC), employment contract, work permit at 2×2 ID picture gayundin na tapos ng nakapagpa-quarantine ng 14 days.