-- Advertisements --

Iminungkahi ng isang kongresista na mabigyan ng P3,000 buwanang allowance ang mga guro para tulungan ang mga ito sa online learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa 2021 budget proposal ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado ang apela ng iba’t ibang grupo ng mga guro sa kanyang distrito na sila ay mabigyan ng buwanang allowance.

Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, walang problema sa rekomendasyon na ito ni Bordado hangga’t sa mayroon silang pondong maaring gamitin dito.

Sa ngayon kasi, tangin ang computerization program ang mayroon silang hawak na pondo, na manggagaling pa sa capital outlay ng kagawaran.

Gayunman, makakatanggap naman ng cash allowance ang mga guro na maaring gamitin para sa pagbili ng mga ito ng kanilang supplies na kailangan sa pagtuturo.

“We have existing in this year’s and previous year’s budget what we call the cash allowance and the cash allowance of the teachers is actually the incentive given to all the teachers so that all supplies and needs that is required for them to do the teaching is chargeable to that fund,” ani Sevilla.

“We do not require them to liquidate it, we give it as an entitlement because that is what is provided in the law,” dagdag pa nito.