Naglaan ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG ng P3billion bilang Calamity Fund.
Ang nasabing pondo ay maaaring ma-avail ng mga miyembro nito na nasa mga lugar na naunang naideklara sa ilalim ng State of Calamity dahil sa naging epekto ng Supertyphoon Egay at Habagat.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Marilene Acosta, sakop ng nasabing pondo ang mga miyembro na nasa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, at la-Union, lahat ng mga probinsiya sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Bulacan, Pampanga, probinsya ng Cavite, at iba pang mga bayan na una nang nagdeklara ng SOC.
Sa ilalim ng calamity loan ng state owned financial institution, maaaring makakuha ang mga miyembro nito ng kabuuang 80% ng kanilang member savings.
Babayaran naman ito sa loob ng tatlong taon, at may grace period na tatlong buwan.