Nakatakdang simulan ng Department of Transportation (DOTr) ang P3 billion fuel subsidy para sa 1.36 million tsuper sa buong bansa na apektado ng 9 na magkakasunod na pagsipa ng presyo ng langis.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ipapamahagi ang bilyun-bilyong halaga ng fuel subsidy sa sunod na dalawang araw kung saan pinakamaagang target na masimulan sa Setyembre 15.
Kabilang sa mga makakatanggap ng fuel subsidy ang 6,000 operators ng Modernized Public Utility Jeepney, 150,000 tsuper at operator ng dyip, 500 operators ng Modernized Utility Vehicle Express, 20,000 operators ng utility van express, 930,000 tsuper at operators ng tricycle at 150,000 food delivery riders.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang LTFRB sa bangko ng gobyerno, DILG, DTI at DICT para sa pamamahagi ng subsidiya.
Ayon kay Sec. Bautista, ang ipapamahaging fuel subsidies ay magmumula sa pambansang pondo ngayong 2023.