NAGA CITY – Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P370,000.00 na halaga ng droga sa tatlong suspek sa isigawang buy bust operation sa Calabanga, Camarines Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Bueza, 32-anyos; Kevin Azuela, 18-anyos; at Erick Velasco, 18-anyos, lahat residente ng Zone 4, San Miguel, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nabili sa mga suspek ng nagpanggap na poseur buyer ang isang heat-sealed transparent plastic bag na may lamang shabu gamit ang P500.00 bilang buy bust money.
Kaugnay nito, sa pag body search ng mga awtoridad nakuha pa sa posisyon ng mga suspek ang tatlong piraso ng bukas na transparent plastic sachet na mayroong marka ng pinaniniwalaang shabu at iba pang drug paraphernalia.
Samantala, ang nasabing operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA)-Camsur CSPPO at Calabanga Municipal Police Station.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.