-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasa P35-milyong halaga ng iligal na drogang natagpuan sa abandonadong bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 1 nitong araw.
Batay sa ulat isang customs examiner ang nakakita sa naturang bagahe habang isinasalang ito ang mga unclaimed baggages sa arrival area.
Nang suriin, nakita sa loob ng brown suitcase ang 5-kilong pinaghihinalaang shabu.
Nakita rin dito ang name tag na may pangalang “Orbillo Nazarene.”
Ayon sa airport officials, pasahero ng Philippine Airlines flight PR 596 mula Hanoi, Vietnam ang may dala ng bagahe.
Sa ngayon, hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nakumpiskang iligal na droga.