ZAMBOANGA CITY – Arestado sa pinagsamang operasyon ng AFP, PNP at PDEA ang tatlong kilalang mga drug personalities sa Barangay Poblacion, Bonggao, Tawi-tawi nitong umaga ng Martes kung saan nasabat ang nasa aabot sa limang kilo at nasa tinatayang halaga na 34 Million Pesos.

Sa nakalap na Impormasyon ng Star FM Zamboanga, nakilala ang mga naaresto na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin at Adzfar Asali na sa ngayon ay kinakaharap na ang mga cargo sa pag labag sa REPUBLIC ACT NO. 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002.