Tinatarget ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) na mamigay ng cash assistance sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho o namatay dahil sa coronavirus pandemic.
Bawat magkokolehiyong anak ng mga ODWs ay makatatanggap ng P30,000 bilang educational assistance.
Ayon kay DOLE Undersecretary Dominique Tutay, ang nasabing one-time financial assistance ay nakapaloob umano sa Tabang OFW Program ng DOLE at CHED.
May inilaan na P1 bilyong piso na pondo ang pamahalaan para sa halos 30,000 OFW beneficiaries.
Balak aniya ng DOLE at CHED na simulan ang pamamahagi ng ceducational assistance sa buwan ng Oktubre sa oras na maisaayos na ang listahan ng mga kwalipikadong anak ng mga OFW.
Magkakaroon din umano ng pagpupulong para suriin ng mabuti ang magiging listahan upang makita kung tutugma ito sa listahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kakailanganin lamang ng mga ito na ipakita ang patunay na ang kanilang mga anak ay naka-enroll o mag-e-enroll sa CHED-accredited o recognized colleges o university.