-- Advertisements --
image 118

Pumapalo sa P30 billion ang halaga ng iligal na droga na nasamsam ng mga awtoridad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagpapatuloy ng inquiry sa ikinasang P6.5 billion drug bust noong Oktubre 2022 sa Maynila, iniulat ni House committee on dangerous drugs chairperson Robert Ace Barbers na mula sa nasabat na P30 billion halaga ng iligal na droga ay 4.4 tonelada ng shabu at halos 3 tonelada ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Kabilang din sa 3 magkaaksundo na drug buy bust ay ang 200 kilos ng shabu sa mabalacat, Pampanga noong Agosto 25, 560 kilos ng shabu sa Mexico noong Setyembre 24 at 323 kilos ng shabu na isinilid sa isang imported na beek mula Mexico noong nakalipas na Oktubre 4.

Ang nasabing halaga aniya ay kayang pondohan ang presidential campaign at panalo ng drug lords sa political arena.

AV House committee on dangerous drugs chairperson Robert Ace Barbers

Samantala, suportado naman ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. si Rep. Barbers at inihayag na ang mga smuggler ng droga ay mapamaraan at walang takot. Kung kayat kanilang ibubulgar ang misteryo sa likod ng smuggling dahil naniniwala silang mayroong mga personalidad na tumutulong sa shipment.