-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang P300 million na pinsala sa agrikultura at imprastraktura umano ang iniwan ng tatlong magkakasunod na bagyo sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Fermin Mabolo, tiniyak nito na dahil sa nasabing pinsala ay makakatanggap ng rice seeds ang mga magsasaka sa nasabing lalawigan.

Ito ay sa ilalim ng programa ng Rice Competetiveness Enhancement Fund (RCEF) para makatulong sa mga magsasaka sa agarang pagbawi at pagbangon nito mula sa pagkakalugmok dahil sa sunod-dunod na kalamidad.

Una rito, sinabi ni Dra. Victoria Lapitan, direktor ng PhilRice Bicol na makakatanggap ng binhi ang mga magsasaka sa mga lalawigan ng Camarines Sur, ALbay, Masbate at Sorsogon mula sa naturang ahensiya.

Kung maaalala kasi, isa ang sektor ng agrikultura sa mga labis na napinsala ng mga nagdaang bagyo sa Bicol Region.

Samantala, nagpasalamat naman si Mabolo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines maging sa lahat ng ahensiya na mayroong bahagi sa naturang proyekto.