-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na susubukan ng House of Representatives na maglaan ng hindi bababa sa P3 bilyon na pondo para sa mga proyektong pangkaunlaran sa Kalayaan Group of Islands kabilang ang Pag-asa island sa bahagi ng West Phil Sea.

Ang pahayag ni speaker ay kasunod ng pagbisita nito kahapon sa Pagasa Island sa West Philippine Sea na sinamahan ng ilang kongresista at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa panayam kay Speaker kaniyang sinabi na ang nasabing pondo ay gagamitin para sa airport reclamation extension at ang pagdevelop pa sa pier nang sa gayon maging fishing sanctuary ito ng mga Pilipinong mangingisda lalo na sa panahon ng kalamidad.

Kinumpirma din ni Romualdez na magkakaroon ng share ang Pag-asa island mula sa confidential funds na planong ire-align ng Kamara.

Inihayag ni Speaker na makakaasa ang buong Pag-asa at Kalayaan Island group ng tulong at suporta mula sa pamahalaan.

Sinabi din ni Romualdez na ito ang unang biyahe niya sa Pag-asa island at sinabing proud siya sa mga sundalo, coast guard maging ang local governments na ginagawa ng mahusay ang kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Romualdez na ang Pag-asa Island ay maaring gawing tourism-oriented facilities at gawing Maldives of the Philippines.