-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P3-bilyon fuel subsidy para sa mga public utility vehicles sa susunod na linggo.
Nasa P10,000 ang maibibigay sa bawat modern jeepney at UV express unit at P6,500 naman para sa mga drivers ng traditional jeepneys.
Ang nasabing subsidy ay hindi ibibigay sa pamamagitan ng pera at ito ay sa pamamagitan ng e-wallets.
Ang mga tricycle drivers naman ay makakatanggap ng tig-P1,000 na ito ay ipapamahagi ng mga local government unit kung saan sila nakarehistro.










