May kabuuang P3 billion na cash assistance sa lahat ng mga magsasaka sa bansa na apektado ng Rice Tarriffication law.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, na mayroong P5,000 na ipapamigay sa mga magsasaka na may sinasakang lupain na may lawak na isang hektarya pababa.

Ang nasabing cash asssistance ay huhugutin sa sobrang taripa na nakulekta sa ilalim ng Rice Tarrification Law.

Mayroon aniyang kabuuang P11 billion na ang nakulektang buwis mula ng ipatupad ang Rice Tarriffication Law.