Iniulat ng Palasyo Malacanang na pumapalo sa P3.94 trillion ang nalikom na investment pledges sa mga biyahe sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinatayang magbubunga ng 200,000 trabaho ang investment pledges na ito.
Narito ang mga sumusunod na investment pledges sa foreign trips ni Pangulong Marcos.
– Indonesia (Sept. 4-6, 2022)- mahigit P426.1 billion
– Singapore (Sept. 6-7, 2022)- mahigit P356.2 billion
– US (Sept. 18-24, 2022)- mahigit P211.6 billion
– Thailand (Nov 16-19, 2022)- mahigit P251.6 billion
– Belgium (Dec. 11-14, 2022)- mahigit P119.5 billion
– The Netherlands (Dec. 15-17, 2022) – mahigit P367.8 billion
– China (Jan. 3-5, 2023) – mahigit P1.3 trillion
– Japan (Feb. 8-12, 2023) – mahigit P721.3 billion
– US (Apr. 30 – May 4, 2023) – mahigit P73.7 billion
– Malaysia (July 25-27, 2023) – mahigit P15.8 billion
– Indonesia (Sept. 5-7, 2023) – mahogit P1.2 billion
– Singapore (Sept. 14-17, 2023) – P11 billion
Sa kasalukuyan, mayroong 16 overseas trips ang Pangulo sa loob ng isang taon nitong panunungkulan.