Aabot na sa P3.5 million halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga apektadong residente sa Caraga, Eastern at Western Visayas, at Mimaropa regions busnod ngang pananalasa ng Bagyong Odette sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang kagawaran ay mayroong mahigit P900 million halaga ng available na stockpiles at standby funds para sa itulong sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.
Noong Biyernes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap na niya ang Department of Budget and Managment hinggil sa available na pera ng pamahalaan para sa mga apektado ng bagyo.
Ayon kay Pangulong Duterte, ubos na ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic response.
Pero pagtitiyak ni Dumlao, mayroon pa silang pera, at iginiit na magpapatuloy din ang repacking nila ng mga family food packs para sa mga evacuees at apektadong residente.
Nakikipag-ugnayan din aniya ang kanilang gawaran sa Philippine Air Force at Philippine Coast Guard para sa logistical support.