-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nahuli nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) at pulisya ang isang opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at asawa nito sa anti-drug operation sa Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina Juharie Adam Talib,alyas “Alex” Platoon Leader ng 3rd Platoon Charlie Company ng 105th Base Command ng MILF at asawa niya na si Rakma Kalibu Talib alyas “Bai” pawang mga residente ng Parang Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na nagsagawa ng buybust operation ang PDEA-BARMM sa City Plaza Macacua Street Brgy Poblacion 5 sa lungsod ng Cotabato.

Nang akma nang i-abot ng mag-asawa ang kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon ay doon na sila hinuli ng PDEA-BARMM.

Ang pagdakip sa mga suspek ay sinaksihan mismo ni Cotabato City Mayor Attorney Frances Cynthia Guiani Sayadi.

Sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na matagal na nilang minamanman ang mag-asawa na sangkot sa illegal drug trade sa Cotabato City,Maguindanao,North Cotabato at Lanao Del Sur.

Ang mag-asawa ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BARMM at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Rep[ublic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.