-- Advertisements --

CEBU CITY – Arestado ang isang sari-sari store owner matapos mahulihan ng tinatayang P3.4 million halaga na pinaniwalaang shabu.

Kinilala ang suspek na si Evelyn Pahente Jimenez, single, residente sa Zone 2, Brgy. Looc, Dumaguete City, Negros Oriental.

Nakuha mula kay Jimenez ang 500 grams na hinihinalang shabu na nasa P3,400,000 at ang boodle money na P3,000,000.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek samantalang patuloy naman ang manhunt operation sa kasama nito na si Jovic Calibo.

Samantala nakuha rin mula sa isang magsasaka ang P120,000 na marijuana matapos ang buy bust operation ng mga operatiba ng Cebu City Police Office (CCPO) City Intelligence Unit (CIU) sa Brgy. Malubog sa lungsod ng Cebu.

Una nito, nabunot ng mga operatiba ang 200 na mga marijuana plants sa Sitio Kamansili, Brgy. Pangamihan, Toledo City.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang alyas Miguel na tinuturong responsable sa pagtanim ng mga marijuana plants.

Samantalag natunton na ng City Intelligence Unit ang nagsilbing bagsakan umano ng alyas Miguel ng marijuana.

Ayon kay Lt. Col Randy Caballes ang hepe ng CIU, kanilang naaresto ang isang Joel Cabiles na residente ng Brgy. Climaco, Toledo City, sa pamamagitan ng buy bust operation. Ito umano ang nagsilbing tagapamahala ng mga marijuana plants na ibabagsak ni alyas Miguel.

Patuloy na iniimbestigahan ng otoridad ang iba pang transaksiyon at ang mga posibleng kasamahan pa ng naaresto.