-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng isang regional-level high value individual matapos ang isinagawang buybust operation ng City Drug Enforcement Unit kahapon, Enero 8, sa Purok 11, Brgy. Bakilid, lungsod ng Mandaue.

Kinilala ang naaresto na si Deive Lonie Acaso Portillo alyas “Dondon”, 27 anyos at residente ng Brgy. Umapad ng nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa posisyon nito ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400,000.

Ayon sa mga pulisya, nagkaroon ng intelligence surveillance bago ikinasa ang operasyon.

Malaking accomplishment pa ang pag-aresto kay Portillo dahil ito ay itinuturing na isang high-value na indibidwal.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa naarestong suspek.