-- Advertisements --

Humigit kumulang na sa P3.077 billion ang halaga na ng pinsala sa sektor ng agrikultura na iniwan ng bagyong Karding.

Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),nasa P14,141,725 ang pinsalang naitala sa livestock, poultry, at fisheries.

Bunsod nito, nasa kabuuang 104,500.90 magsasaka at mangingisda naman ang apektado at nasa 166,630.11 ektarya ng mga pananim ang apektado.

Sa ngayon, nananatili sa 12 ang bilang ng nasawi dahil sa bagyo at nasa lima pa ang bilang ng mga nawawala at nasa 52 naman ang naitalang nasugatan.

Kabuuang 57,080 kabahayan at 43 infrastructures naman ang napinsala.

Nasa 247,016 families or 913,893 individuals pa ang nananatiling apektado sa 7 rehiyon at 47,388 ang na-displaced.