-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi ito nagbigay ng anumang subsidiya o supurta sa grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na unang napabalitang nagbebenta ng murang bigas sa mga Kadiwa Outlets.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, na ang mababang presyo na P25 bawat kilo ng bigas ay inilaan mismo ng mga magsasaka na nabigyan ng pagkakataong makapagbenta sa mga Kadiwa Outlets

Paliwanag aniya ng mga magsasaka na mas mataas ang naging produksyon ng mga ito, at mas mababa ang production cost o nagastos sa pagsasaka.

Inisyatiba aniya ng mga magsasaka ang mababang presyo, na ikinatutuwa naman ng Kagawaran dahil sa nagkakaroon ng mga opsyon ang mga mahihirap, sa mabibiling bigas.

Ayon pa rin kay Asec Evangelista na mayroon pang mga karagdagang ani ang mga magsasaka sa Nueva Ecija na inaasahang ilalabas pa rin sa mga Kadiwa outlet, sa halagang P25 kada kilo.

Pagtitiyak ng DA official na suportado nila ang ganitong inisyatiba ng mga magsasaka, kung saan asahan aniya ang mas malawak pang tulong sa kanila ng kagawaran-