-- Advertisements --

Nakadetain na ngayon sa Panglao Bohol detention cell ang dalawang kalalakihan matapos makumpiska ang P238K halaga ng druga sa isinagawang buybust operation ng mga sakop ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 at Panglao PNP sa Tawala, Panglao Bohol pasado alas 10:30 kagabi.

Arestado sa nasabing operasyon ang isang Rex Jesson Bumaat, 27 anyos at Abundio Membreve, 49 anyos.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 7 pakete ng shabu na tumimbang ng humigit-kumulang 35 gramos na nagkakahalaga ng aabot sa P238, 000, buybust money at dalawang cellphone.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.