Aabot sa P228.4 million ang halagang nalikom ng Philippine National Police (PNP) bilang ambag sa COVID-19 efforts ng pamahalaan.
Sa virtual hearing ng House Committee on Health, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Rj Echiverri na ang naturang halaga ay boluntaryong ibinigay ng mga pulis mula.
Ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) naman ay nakalikom aniya ng kabuuang P7.15 million.
Ayon kay Echiverri, nanggaling ito sa sariling sahod ng mga pulis at BJMP personnel mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nauna nang pinasalamatan ni Finance Sec. Carlos Dominguez III ang PNP sa inisyatibang ito.
Maituturing aniyang “heroic” act ang ginawa ng mga pulis dahil sa kabila ng nararanasang public health crisis ay nagawa pang magpaluwal ng mga ito ng sariling pera para makatulong sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.