P21M educational cash assistance ang naipamahagi sa pangatlong payout – DSWD-7
Aabot sa 7,665 na mga estudyante sa buong Central Visayas ang nakatanggap na educational cash assistance sa pangatlong payout na isinagawa noong Sabado Setyembre 3, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD-7).
Sa nasabing bilang, ang 1,820 ang elementarya; 1,390 junior high school students; 853 senior high school, at 3,602 sa kolehiyo o bokasyonal na mga mag-aaral.
Aabot naman sa PHP 21,567,000 ang perang naipamahagi sa araw ding iyon.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 15,383 mag-aaral ang nabigyan na ng cash assistance sa buong rehiyon at kabuuang P41,414,000 ang naipamahagi sa payout na isinagawa noong Agosto 20, 27, at Setyembre 3.
Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang mga hindi pa nakapagparehistrona iaanunsyo lang nila ang petsa ng muling pagbubukas ng link para sa online registration.