-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Migrant Workers (DMW) ng P20 million support at assistance fund para sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng nagdaang magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Northern Luzon.

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, ito ay inisyal pa lamang para matulungan ang mga pamilya ng mga OFWs na apektado ng lindol.

Inatasan na aniya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para agarang mabigyan ng tulong at malaman ang iba pang assistance na maaaring maibigay ng ahensiya para sa pamilya ng mga OFW.

Sa ngayon, inaantay din ang damage assessment report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para matukoy kung saang mga rehiyon at lugar ang lubos na naapektuhan upang maprayoridad ang pamilya ng mga OFW na nandoon sa mga apektadong lugar.

Kasalukuyang nakikipagdiskusyon na rin ang ahensiya sa Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund para sa emergency loan applications ng mga pamilya ng OFWs.

Pinayuhan ni Ople ang mga pamilya na mag-file lamang ng application para sa naturang financial assistance sa pinakamalapit na OWWA offfice sa kanilang rehiyon.

Kailangan lamang magpakita ng proof na isa sa miyembro ng pamilya ay OFW na naka-deploy overseas