-- Advertisements --
DOF

Iniulat ng Department of Finance na nakakolekta ng P202.8 billion karagdagang revenues ng pamahalaan mula ng ipatupad ang Comprehensive Tax reform Program (CTRP).

Ayon sa DOF ang kabuuang koleksiyon noong nakalipas na taon ay mas mataas ng 26.3% mula sa P160.5 billion revenue noong 2021.

Ipinaliwanag pa ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang mas mataas na koleksiyon ay dahil sa full economic recovery ng bansa dahil tinanggal na ang mahigpit na quarantine measures na ipinatupad noong kasagsagan ng pandemiya.

Malaki ang nakolektang buwis mula sa imported petroleum excise tax, sweteened beverage excise tax, documentary stamp tax at sin taxes sa tobacoo at alcohol.