NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng dalawang suspek matapos na mahulihan ang mga ito ng halos P200K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa Sitio Tribu, Brgy. Sta Rosa Del Norte, Pasacao,Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Rey Gueriba, 39, at Andy Orlain, 38, pawang mga construction worker at residente ng Brgy. Sta Rosa Del Norte sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Ma. Victoria Abalaing, hepe ng Pasacao PNP, sinasabing newly identified na tulak ng droga ang mga suspek.

Ayon kay Abalaing, nakumpiska nila dito ang mahigit 74 pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P200K.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang mga suspek habang patuloy pa rin ang imbestigasyon kung sino supplier ng mga ito maging ang pagdadalhan ng nasabing mga droga.

-- Advertisement --