-- Advertisements --
BOC

Nakompiska ng Bureau of Customs – Cagayan de Oro Port ang nasa 50 kilo ng smuggled red onions na umano’y nagmula sa bansang China nang dumaong ang kargamento sa Misamis Oriental.

Sinabi ni BoC-CdeO Port Collector Alexandra Lumontad na nag-ugat ang pagka-kompiska ng dalawang container vans na puno ng mga pulang sibuyas matapos ipinagbigay alam ni Customs Intelligence and Investigation Service Atty Justin Geli ug Enforcement and Security Service CDO SP/Capt. Abdila Maulana Jr ang pagpuslit ng kargamento sa daungan ng Mindanao Container Terminal Port, Phividec Compound, Tagoloan ng lalawigan.

Inihayag ni Lumontad na unang nagkunwari na tinapay ang pastry products ang laman ng container vans subalit nang usisahin ng mga tauhan ng Customs kasama ang taga-PDEA 10, Dept of Agriculture at Chamber of Customs Brokers Incorporated ay tumambad ang mga sibuyas.

Batay sa paunang assessment,nasa higit-kumulang P20 milyon ang halaga ng confiscated agriculture mula sa China.

Natuklasan na umano’y pagmay-ari o ang consignee ng kargamento ay mula sa Asterzenmed Incorporated.

Nakatakdang mahaharap ng kasong paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act and DA regulations ang consignee dahil sa nasabing aktibidad.