-- Advertisements --
Gumagawa na ng hakbang maging ang Department of Agrarian Reform (DAR) para maisakatuparan ang nais na P20 kada kilo ng bigas ni President-Elect Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay DAR Secretary Bernie Cruz, bumalangkas agad sila ng committee para tutukan ang pag-aaral ukol sa mababang halaga ng bigas.
At alinsunod aniya sa naging resulta ng pagsusuri, “achievable” ang P20 kada kilong bigas.
Maging ang DA ay may mga ginagawa na ring aksyon sa isyung ito, base sa kumpirmasyon ni Agriculture Sec. William Dar.
Ang pagsasakatuparan ng P20 bawat kilo ng bigas ay natapat pa sa 34th anniversary ng CARP law.