Umani ng suporta ang Bulacan local farmers nang simulan nilang magbenta ng P20 per kilo na bigas sa kauna-unahang pagkakataon.
Pero limitado lamang ang bilang ng napagkalooban ng tyansang makabili nito.
Partikular na nakakuha ng tig-limang kilo bawat pamilya ang 600 residente ng Visayas Avenue sa Quezon City.
Ayon kay I-UNLAD Foundation Chairman Wowie Mangguera, ang bagsak-presyong bigas ng binigay ng mga magsasaka ay bunga ng pagtaas ng kanilang produksyon sa mga nakaraang linggo ng anihan.
Una rito, nagsanib pwersa ang I-UNLAD at EUPAGROW para mamahagi ng libreng fertilizer sa mga magsasaka sa iba’t-ibang lugar bansa.
Sa darating na Enero, ang mga magsasaka naman mula sa Leyte ang inaasahang magbebenta ng bente pesos kada kilo ng bigas.
Una rito, nagkaroon din ng bentahan ng P20 na kada kilo ng bigas sa Cebu, ngunit hindi ito naipagpatuloy dahil sa dami ng nais na makabili.