-- Advertisements --

Binabalangkas na ng Department of Finance (DoF) ang kanilang mga plano para maabot ang target tax collection ngayong taon, kahit nahaharap pa rin sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, malaking hamion ito dahil lahat ay apektado ng pandemya, ngunit kailangang bumangon ang ating ekonomiya, kasabay ng paglalaan ng tulong para sa gamot at bakuna.

Sa kasalukuyan, may mga plano na aniya ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at tiwala silang maaabot ang dalawang trilyon na buwis.

Ilan sa paraan para maging epektibo ang tax collection ang digitalization initiatives na inihanda ng kawanihan, kasama ang inayos na administrative systems at dedicated workforce.

Malaking bagay at nakasalalay aniya ang kinabukasan ng bansa sa collection performance revenue.

Kung mas maagang makakabalik ang mga negosyo, baka raw malagpasan pa ang target na P2 trillion.