Nakadetain na ngayon sa detention cell ng Talisay City Police station ang dalawang lalaki matapos itong maaresto sa isinagawang buybust operation kagabi, Setyembre 9, sa Brgy. Dumlog lungsod ng Talisay kung saan nasabat ang hindi bababa sa P2 million pesos na halaga ng shabu.
Nakilala ang mga naaresto na sina John Ian Amigable, 22 anyos at Jonathan Alcober Alas-as, 25 anyos kapwa residente nitong lungsod ng Cebu.
Nakumpiska mula sa posisyon ng dalawa ang 300 gramo ng shabu at isang .45 caliber pistol.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nagtatrabaho si Amigable bilang “bodegero” ng isang preso na kilalang ‘Taitus,’na nakakulong ngayon sa Cebu City Jail.
Habang si Alas-as naman ay tutulong Amigable na maghatid ng shabu sa kanilang mga customer.
Napag-alaman din na makakapagbenta ang mga ito ng 300-500 gramo ng shabu kada linggo at tatanggap ng suhol na P10,000 sa bawat matagumpay na paghatid ng droga.
Nakatakdang sampahan ang mga naarestong suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at karagdagang kasong illegal possession firearms naman kay Alas-as.
@