ZAMBOANGA CITY – Umabot sa P2-milyon ang halaga ang danyos sa nasunog na gusali partikular na sa MCLL Highway Barangay Cabaluay nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog sa isang stall ng ukay-ukay na naka-occupy sa mismong gusali.

Mabilis namang kumalat ang apoy at nadamay pa nito ang tindahan ng mga motor at bakery.

Wala namang naiulat na casualty sa naturang sunog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad kung paano sumiklab ang sunog sa naturang gusali.

-- Advertisement --