-- Advertisements --

Nakatakdang makatanggap ng fuel subsidies mula sa pamahalaan ang nasa mahigit 1.6 million operators at drivers ng Public Utility Vehicles (PUVs) kabilang na ang mga tricycle drivers at delivery riders para maibsan ang epekto ng magkakasunod na linggong pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), papaspasan nito ang pamamahagi ng P2.95 billion na fuel assistance sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Dito, makakatanggap ang mga tsuper ng modern jeepneys at UV Express vans ng ₱10,000 habang ang mga tsuper naman ng iba pang modes of transortation ay makakatanggap ng ₱6,500.
Ang mga tricycle at delivery riders naman ay mabibigyan ng ₱1,000 at ₱1,200.









